Categories
Farmer Spotlight

A single mother and farmer in Mindoro finds strength for her child

Meet Nanay Aida, a 53-year-old single mother and farmer, who is filled with unconditional love and hope to bring a better future for her child.

Meet Nanay Aida, a 53-year-old single mother and farmer, who is filled with unconditional love and hope to bring a better future for her children.

Nanay Aida is one of the beneficiaries of Smart’s Buy Local Initiative. Recently, Smart Communications turned over P100,000 to 20 farmers supported by Farmvocacy in Santa Cruz, Occidental Mindoro.

In conversation with Cropital (C), Nanay Aida (NA) shares her life as a farmer and her dream for a better life.

C: Magpakilala po muna kayo.
NA:
Ako po si Aida Papa, 53 years old, may isang anak na lalaki, 18 years old.

C: Gaano na po kayo katagal na nagsasaka?
NA:
Nasa 7 years na po akong nagsasaka. Kasi 7 years na rin nang nawala ang aking asawa. Kinakaya naman po. Pinipilit kong bumangon at magpakatatag para sa anak ko at mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

C: Gaano po kalaki ang inyong sakahan?
NA:
Nasa dalawang ektarya po pero sinama ko rin po yung anak ko kaya apat na ektarya na po ang sinama ko sa FarmVocacy.

C: Kumusta po ang kita sa pagsasaka?
NA:
Karaniwan kita bilang magsasaka medyo malaki din po sir kaso dahil mag isa lang akong kumikita, mallit lang po ang natitira sa akin.

C: Meron po ba kayong ibang pinagkakakitaan?
NA:
Meron naman po. Yung amin pong aming traktora. Kapag walang pasok po yung anak ko, nilalabas po namin.

C: Malaki po ba ang gastos sa pagsasaka?
NA:
Totoo po yan. Dahil nag-iisa po ako at lahat ay gastos ko at umuupa pa ng tao.

C: Ano po mga hirap niyo sa pagsasaka
NA:
Sa klima, minsan pabago bago. Challenge rin maghanap ng pera para pang-ayos ng bukid.

C: Paano po kayo bumabangon sa kahirapan?
NA:
Dahil isa na po akong single mother, pinipilit ko pong bumangon at magpakatatag para sa aking anak at mabigyan ko ng magandang kinabukasan para hindi nIya po ako magaya na ako po ay nagbubukid. Gusto ko po makapagtapos po siya ng pag-aaral

C: Ano po ang pangarap niyo sa inyong pamilya?
NA:
Makapagtapos po ang aking anak at magkaroon ng buhay na maayos at hindi hirap tulad ng buhay sa pagsasaka.

C: Kumusta po ang suporta ng FarmVocacy sa inyong pagsasaka?
NA:
Gumanda at tumaas ang ani ko dahil in-apply ko yung mga tinuro at tinulong nila sa akin.

C: Ano pong masasabi niyo na napili kayong beneficiary ng Smart?
NA:
Natutuwa po ako na ako ang napiling tulungan ng Smart dahil napakalaking tulong po nito. Hindi na po ako maghahanap sa iba, gagamitin ko na po itong binigay sa akin ng Smart.

Maraming salamat. Napakalaking bagay nito sa akin. Para hindi napo ako maghahanap ng pagkukunan pondo sa pagbubukid. Salamat po